Kung Tayo’y Magiging Iisa


Kung Tayo’y Magiging Iisa



            Kung Tayo’y Magiging Iisa

                                                    ni doroastig
                                                    21Hulyo’78


kung gitara mo’t gitara ko’y pagsasamahin ang tinig
at sabaysabay tayong aawit ng iisang himig
kung sabaysabay din tayo sa pagkalabit at pagtipa
pakingga’t tunog nating dalawa’y magiging iisa

kung kita’y hahayaang mag-iisa sa iyong pag-awit
wala kang madamang kasiyahan kahit sansaglit
ang papasanin mo’y ga-mundong paghihirap
sa mga pangangailangan sa iyo’y walang lilingap

kung sa pag-awit ako’y hahayaan mong mag-iisa
pagtipa’t pagkalabit ko’y walang kasigla-sigla
tunog na magawa ko’y magiging matamlay
sa mga pagkakamali sa aki’y walang aagapay

ngunit kung sa pag-awit tayo’y magkasabay
tunog nating dalawa’y mapupuno ng buhay
at kung sa mapang-aping hanay ito’y ating iparirinig
mga puso nila’y maguguluha’t maliligalig

Ikaw ba’y handa nang makikiisa sa mga awiting dapat nating iparinig sa mga kinauukulan?



Share this to your profile
                 To view or post comments, please click here


Advertisements