MGA TAUHAN (sa dula ng buhay)


Ito ay isa sa mahigit na apatnapung tulang Filipino na naisulat ko noong ako ay binata pa. Ang mga ito ay wala na sana ngayon kung hindi dahil sa pagmamalasakit ng naging kasintahan ko. Nang umalis kasi ako sa dati kong tinirahan (Cabugnason Residence, km 12 Sasa, D.C.), iniwan ko na lang ang mga ito dahil makakagawa pa naman ako ng bago. Nang una siyang dumalaw sa bago kong tirahan (Ponce St., D.C.), ang tanong kaagad niya sa akin ay kung dinala ko ba ang mga ito. Sabi ko, wala. Kinabukasan nagbalik siya at daladala na ang mga ito. (kapitbahay lang nila ang Cabugnason Residence)

Nobyembre ng taong 2003 (undas) nang naikwento ko ang tungkol sa mga ito sa naging grade 5 teacher ko sa baranggay na kinalakhan ko (Bongabong, Pantukan, Comval). Babasahin ko, aniya. Ipi-print ko pa Ma’am. Nobyembre (undas pa rin) na ng taong 2006 nang maibigay ko sa kanya ang mga kopya ng mga ito. Pagdaan ng isang buwan muli akong nagbalik sa Bongabong para sa kapistahan (Disyembre 8). Nang nakita niya ako, maluha-luha siyang napayapos sa akin at ang sabi, “Hindi ko akalaing…”. Totoong ako’y umiinom.

Si Ma’am? Siya si Herminia Baptista Arcenas, biyuda ng dati naming Barangay Captain, Grafo Arcenas (SLN). Ang naging kasintahan ko? Siya si Nelly Decena, misis ko at ina ng lima kong anak.



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here