Ang Kabilang Buhay


Ayon sa aming Religion teacher sa elementarya na si Mrs. Apolonia dela Cerna, may dalawang uri ng paghatol, ang particular judgment (para sa bawat indibiduwal) at ang general o final judgment. Nung isinulat ko ang tulang ito mahigit tatlumpung taon nang nagdaan, ang nasa isipan ko ay ang final judgment.
.
Sa Revelation 20:15, mababasa ang susunod:
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nakatayo sa harap ng trono, at mga aklat ay nangabuksan. Ang isa pang aklat ay binuksan, na siyang aklat ng buhay. Ang mga patay ay hinatulan ayon sa kung ano ang kanilang ginawa gaya ng nakaulat sa mga aklat. 13 Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa loob nito, at kamatayan at ng hades ang mga taong patay na nasa kanila, at ang bawat tao ay hinuhusgahan ayon sa kung ano ang kanilang ginawa. 14 At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. 15 Sinuman na ang pangalan ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
.
Maliwanag na ito ang panahon ng paghatol hindi lamang sa mga patay kundi pati na sa mga buhay.
.
Ngayon ang tanong: may kinalaman kaya ang Revelation 20:12 sa katapusan ng Mayan long count calendar na magaganap sa Dececemder 21, 2012, winter solstice ng taong yun? Bakit parehong may numerong 2012? Ito ba’y isang coincidence lamang? May katotohanan kaya ito?



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here


Advertisements