Pakikipaglaban sa Kahirapan

Pakikipaglaban sa Kahirapan
.
ikaw tusong kahirapan hindi namin kinatatakutan
sa kalupitan mo maghihikahos ma’t gagapang
kami ma’y mamumulubi’t magiging kahabaghabag
mga mithi’t pangarap namin hindi mo mabubuwag
.
ngayon at magpakailanman ulo nami’y hindi iyuyuko
kami sa iyo ay lalaban hanggang sa kayo’y maigupo
sa mga puso at diwa namin paninindiga’y hindi marurupok
‘di hahayaang mga pinapangarap mauuwi lamang sa alabok
.
minimithing kasaganaha’y abot tanaw na namin
ang nagbabagang araw sa ami’y lilipas din
libong dusa’t hapis man sa amin ngayon nakapaligid
bukas ay liligaya ri’t may tuwang walang patid
.
ang pagpapagod mo, kahirapan, lahat ay masasayang lang
sa kapangyariha’t katusuhan mo kami hindi malilinlang
kung ang mga abang buhay nami’y kaya mong kitlin
mga puso’t diwa namin hindi mo magawang pasukuin!
.
doroastig
kalagitnaan ng ’77
Cadunan, Mabini, Comval
.



Share this to your profile
                 To view or post comments, please click here


Advertisements
By doroastig Posted in tula

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s