Noynoy Aquino: si Mama at si Papa


Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

Miyerkules, ika-30 ng Disyembre, 9:40 ng umaga. Habang nakikinig ako sa mga paborito kong mga himig ng dakada 70, biglang may tumunog na cellphone- tunog na hindi galing sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang cellphone ni Kringkring, isa sa aking mga dalagita. Naiwan pala niya ito sa pagmamadali. Sumama kasi siya sa aking misis sa NCCC (isang mall dito sa Davao), nagsa-shopping.

Dali-dali ko itong kinuha at tinignan. Nalaman kong isang text message ang ipinadala. Binuksan ko ito upang mabasa sa pag-aakalang galing sa misis ko. Galing pala sa isa sa mga kaibigan ni Kringkring. Laking gulat ko nang mabasa ang nilalaman na message. Kahit tinatamad, naisip kong ilagay sa blog ko dahil sa ito’y may kabigatan.

Narito ang nilalaman ng text message na ‘yon:

Manny Villar: Sipag at Tiyaga
Gibo Teodoro: Galing at Talino
Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

Bakit sinabi kong may kabigatan? Sa tatlo kasing tumakbong may chance na manalo sa pagka presidente ng ating bansa, si Noynoy lang ang walang nakakabit na tagline. Si Manny Villar ang ipinagmalaki ay ang kanyang sipag at tiyaga, si Gibo Teodoro ay ang kanyang galing at talino, si Noynoy Aquino ay wala. Kaya siguro naisip ng nag-compose ng text message na nabasa ko na ilagay bilang asset niya (Noynoy) si Ninoy at Tita Cory, na totoo naman.

Wala talagang maipagmalaking abilidad si Noynoy. Siya’y nakasandal lang sa anino ng pumanaw na niyang mga magulang; at sa kanyang kapatid na si Kris. Isa sa mga dahilan kung bakit nasabi ko ito ay makikita dito. Sa aking personal na opinyon, tila may kakulangan siya ng kompiyansa (na nakikita ko sa sa kanyang tindig), kawalan ng pokus (na nakikita sa kanyang mga matang palipatlipat ang tinitingnan), at tila kakulangan ng paniniwala. Sa performance bilang senador, nasa ibaba siya.

Ang listahang ito ay nagpapakita ng bilang ng naipasang bills at resolutions ng mga senador sa panahon ng 14th Congress break noong Marso.

1. Miriam Defensor-Santiago – 933
2. Manny Villar – 579
3. Jinggoy Estrada – 538
4. Loren Legarda – 299
5. Francis Escudero – 288
6. Antonio Trillanes – 261
7. Bong Revilla – 238
8. Lito Lapid – 196
9. Richard Gordon – 148
10. Manuel Roxas II -146
11. Edgardo Angara – 140
12. Juan Miguel Zubiri – 135
13. Aquilino Pimentel Jr – 121
14. Pia Cayetano – 114
15. Rodolfo Biazon – 107
16. Jamby Madrigal – 93
17. Francis Pangilinan – 87
18. Panfilo Lacson – 83
19. Gregorio Honasan – 73
20. Juan Ponce Enrile – 70
21. Noynoy Aquino – 46
22. Alan Peter Cayetano – 24
23. Joker Arroyo – 11

Marahil masasabi ng mga makakabasa nito na ako’y hindi boboto kay Noynoy. Tama sila. It is either Gibo or Villar for me. Not even Erap! At sabihin na rin nilang naninira ako. Dito mali sila. Ako’y naglalahad lang ng aking personal na paniniwala. Walang nanghihikayat sa akin kungdi ang text message na hindi naman para sa akin- ang message na pumukaw sa natutulog kong kamalayan.

MANIGONG BAGONG TAON NA LANG SA INYO!



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here


36 comments on “Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

  1. Pingback: Noynoy Aquino: si Mama at si Papa « Points to Wonder

  2. Wah? Eh akala mo kung si Noy magiging president e wala nang magnanakaw? Hindi lang si Noy ang tao sa whole government, MARAMI SILA. And napaka naive mo para isipin na mawawala agad ang magnanakaw kapag si Noy na.

    Diosdado Macapagal – one of the most honest president. E anong nangyari sa anak?

    Cory + Ninoy = do you really think clone nila si noynoy?

    Liked by 1 person

  3. Pingback: POPULAR POLITICIANS « Amethyst5's Blog

  4. Pingback: Philippines: Politics of Popularity « Mga Sulating Pilipino

  5. Buti na lang wala na ako jan. Eleksyon ang pinaka ayaw kong panahon sa Pinas. Political Circus… pinakaayokong nanoorin. Political Clowns… di invited sa birthday party ko. Ano pa man… sa puso ko naniniwala akong darating din ang araw na giginahawa ang mga pinoy… kung kelan nakahanda rin akong maghintay.

    Liked by 1 person

    • Darating di ‘yon, kaibigang ruthi. Kung kailan, di pa natin alam.
      Pwedeng sa halalang ito at pwede ring hindi. Pero ang mahalaga para sa aming nandirito sa Pinas ay ang bumotong lahat sa halalang ito.

      Like

    • Daghang salamat, kwentulang marino. kinahanglan gyod nga atong klarohon kung kinsa ang angay nga ibutang sa pagka-presidente kay kining posisyona dili kakomedyahan. Nia dinhi nagsandig ang kaugmaon sa atong nasod.

      Gibutang ta na ka sa akong listahan, ika 17 ubos sa logo sa WordPress, left sidebar.

      Like

  6. “Morality pa rin ang isyu.”

    Totoo, kaibigan. Aanhin ang angking katalinuhan kung ang ito’y gagamitin lamang sa mga hindi kanais-nais na mga bagay tulad ng korupsiyon?
    Nawa’y patnubayan Niya tayo sa ating paghirang ng susunod nating Pangulo.

    Maraming salamat sa pagdaan, kaibigang kaspangarigan.
    Nandoon ka na sa listahan ko, ika-16 sa ilalim ng WordPress logo, left sidebar.

    Like

  7. Morality pa rin ang isyu.

    Mas matalino at may moralidad o takot sa Dios, mas maganda.

    Pero kung matalino naman at immoral doon na ako sa kaunti ang alam na may takot sa Dios baka sakaling kasiyahan Niya tayo.

    2 Chron 7:14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

    Ang tanong Sino ang kandidato na tatalikud sa masamang mga lakad?

    Nadaan lang po!😆

    Liked by 1 person

  8. Iginagalang ang sariling pananaw para pumili ng taong siyang iluluklok sa bansang gutom na sa pagkalinga.

    Maisabit lamang at maiparating ang nais ng abang lingkod, sana lamang sa ating mga sarili ay may naghihingalong pag-asa, na ang lipi natin ay Pilipino.

    Ito ay aking pananaw din lamang. Buo na ang iyong desisyon, respeto at paggalang ang iyong makukuha mula sa akin.

    Sino mang umupo sa Malacanang ay tila pakakainin ng mga lumalagablab na intriga dulot ng kasakiman at pagnanais na siya ang dapat maupo.

    Hinangaan ko si Villar sa kaniyang pagsisikap na umunlad bilang isang mahirap na Pinoy, subalit hindi ko mapaniwalaan ang sinasaad ng kaniyang infomercial Mang Doro, siya daw ang sagot sa kahirapan. Ang tanong ko naman, kung siya nga, bakit ngayon lamang niya ito sinasabi, dapat noon pa. Ilang milyon ba kaming mga mahihirap?

    Si Gibo, may talino pero ayaw ko na ring maniwala sa katalinuhan, ilang Presidente na ang nagdaan, asan na ang mukha ng Pilipinas?

    Ang sa akin, ay si Noynoy, hindi siya para sa iyo at para sa iba pero si Noynoy ang susuportahan ko. Sa kahinaan niya, doon niya malalaman ang kaniyang tinahak. Kung may nagawa man siya o wala sa kaniyang panunungkulan bilang Senador, umaasa akong hindi simpleng gawain ang pinangarap niya, kung kaya’t magsusumikap siya kung sakali man,sa tulong nga mga kapwa ko Pilipino.

    Salamat po sa espasyong ito Ginoo.

    Liked by 1 person

    • Karapatan nating pumili ng sinumang mapupusuan, at ang karapatang ito’y lubos kong iginagalang. Magkaiba man ang ating paniniwala kung sino ang karapatdapat maging pangulo ng ating bansa, natitiyak kong iisa ang ating layunin at ito ay ang makaahon tayo sa kahirapang matagal na nating kapiling– at sino ba naman ang hindi?

      Maraming salamat, kaibigang J. Kulisap. Isipin mong laging bukas ang mga pahina dito para sa mga makabuluhang talakayan.

      Like

  9. meron pa pong iba, si sister. Walang patumanggang ingay, super-agresibong media campaign and harassment, iskandalo rito at iskandalo roon.

    Kaya dapat:
    Noynoy Aquino: Si Papa, si Mama, at siempre, si sis.

    Liked by 1 person

    • ha ha ha ! tama, kaibigang Gypsy!

      may nasagap akong balita na ang character ay si boy abunda (kasangga ni kris) at si manny villar regarding info-mercial. pakilinaw lang. alam mo na ang email address ko.

      maraming salamat sa pagdalaw…

      Like

  10. huli man hahabol pa rin ako ng pagbati!
    Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Itay Doro!🙂

    Sa totoo lang nung malaman ko na tatakbo si Noynoy bilang Pangulo ikinagulat ko ito. Ilang linggo pa lang nuon ng pumanaw si Tita Cory… pakiramdam ko naging dahilan lang niya iyong simpatiya ng sambayanan para kumandidato. Dala na rin ng iniwang legacy ng kanyang mga magulang. Pero kung tutuusin wala lang siya…

    Tatlo lang dati pinagpipilian ko… si Chiz, Lacson o kaya Gibo.

    Liked by 1 person

    • ganun din sa ‘yo, taga-bundok, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon…

      “… pakiramdam ko naging dahilan lang niya iyong simpatiya ng sambayanan para kumandidato.”

      TOTOO!

      Like

    • Pasingit taga-bundok,

      regarding sa choices mo for presidency, ‘yong balaurang side ko, gusto agad mag-comment: taga-bundok ka nga!

      pero, hindi na ako balaura, gusto kong maging sing-sibilisado tulad ng mga politicians natin at mga showbiz personalities, nagtataka lang ako sa mga choices mo. Sabi ng Wuds: (Wuds ba o Philippine Violators? Nakupo, di ko na matandaan), basta, sabi nila, inosente lang ang nagtataka, kaya in short, ayoko sana, as much as possible, ang magtaka.

      Liked by 1 person

      • Magandang araw Gypsy,

        Kung tutuusin kay Lacson marami na ang kontra, kay Chiz may hindi rin ako gusto at si Gibo ang pagkakabilang niya sa partido ng Pangulo.

        Gayumpaman, masusi ko pa rin pinagpipilian kung sila sa kanila. Kung maibabahagi mo sa akin ang “pagkabalahura” mo ay mas malilinawagan pa ako.

        Salamat, taga-bundok talaga ako…🙂

        Liked by 1 person

  11. Ako, gusto ko talaga si Gibo Theodoro bilang susunod na pagka-Pangulo ng susunod na Republika ng Pilipinas. Nakikita ko sa pananalita niya ang angkin niyang katalinuhan. I’ve seen his aura and potential based from political forums, historical background, and his ad campaigns.

    May “sense” siya.

    Kaso, may konting pag-aalangan pa rin ako kung boboto ko ba talaga siya, kung ating matatandaan, ang partido niya (kung saan partido ni Pangulong Arroyo) ang nag-tulak sa kanya para tumakbo sa pagka-Presidente.

    Hindi naman kasi nawawala yung “Utang-na loob”. Pag nanalo si Gibo, may kapangyarihan siya para i-pwesto ulit si Pres.Arroyo sa politiko kung saan AYAW NA AYAW KO.

    Liked by 1 person

    • ako ma’y nag-aalanganin din sa una. kinokonsider ko kasi ang sinabi mong utang-na-loob ngunit sa nakita ko sa kanyang pagkatao’t prinsipyo, nawala ang pag-aalanganing iyon. nakikita ko kasi ang kanyang saloobin tungkol sa maguindanao masaker. considering na malapit ang mga ampatuan kay arroyo, nakuha niyang mag-react strongly against them openly, kaya naisip kong hindi siya basta-basta magpapa-impluwensa kay arroyo.

      Like

  12. may nagawa pala si trillanes. akala ko wala. hehe. nice to see those numbers to know who are really working.🙂

    uhm, i want gordon or gibo for president because of their appearance on the debate by abscbn, they seem intelligent.🙂

    Liked by 1 person

    • Became senator captain Trillanes won against all odds. But others exactly like him now did not. I’m beginning to see senator Trillanes as the message of the collective Filipino nation to PGMA. A message of national mistrust and dissatisfaction.

      With the prospect of her out of the Palace after 2010 [except in the mind of those sobra na ang taranta at takot sa kanya] stepping on her to get on top has lost public appeal. I mean candidates need more than lambasting at her to get on top.

      People want to see what aspiring replacements have to offer for a change. Some of those vying probably projected themselves as no more than to oust her and then take her place doing all the same things that made her very unpopular!

      Liked by 1 person

      • “Some of those vying probably projected themselves as no more than to oust her and then take her place doing all the same things that made her very unpopular!”

        Ano pa nga ba? Ang ginamit nga lang ang salitang ‘kahirapan’ dahil alam nilang nakakarami ang mahihirap sa hanay ng mga botante.

        Maraming salamat sa mga puna, kaibigang rltj. Nakalista ka na sa ‘KAPWA WORDPRESSERS’ widget.

        Like

  13. maraming taong ganyan, di na kailangang lumayo pa, manoy d. kahit sa mga ordinaryong tao, nangyayari yan – nakikisakay sa talino at galing ng ISA, nagniningning lang bilang epekto ng leadership ng iisang tao. but you know, they have followers, they’re comfortable with themselves kasi puffed up by their own kind. i refuse to join groups like that, which is why, from personal experience, i left the group i put up. i am a million times better alone.

    very long but indeed a meaty text. thanks for sharing, manoy d. ~~~kringkring has good friends!!

    Liked by 1 person

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s