‘Don’t get carried away by Noynoy bandwagon’


‘Don’t get carried away by Noynoy bandwagon’

Bishop Deogracias Iñiguez, Jr.

Isang Katolikong obispo ang nagbabala sa publiko laban sa walang taros na pagsuporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni Sen Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III.

Si Bishop Deogracias Iñiguez, Jr. ng Manila ang nagsabi na ang masusing pagsusuri ng plataporma ng bawat kandidato, at hindi ang bandwagon effect ang dapat gamitin sa pagpili ng mga kandidato sa 2010.

“Hindi tayo magpapatangay sa ating mga damdamin o sa pamamagitan ng bandwagon na pag-iisip. Kahit sinong papasok sa larangan ng politika, pag-aaralan natin. susuriin natin ang kanilang mga programa. Hindi komo Aquino, iboboto na natin”, aniya.

Iñiguez, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, public affairs unit, nagsabing ang mga tao ay dapat tumingin sa talaan ng adbokasiya ng mga kandidato na para sa kabutihan ng nakakarami.

Inihayag ni Aquino na siya ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2010, isang linggo matatapos magbigay daan sa kanya ang pangulo ng Liberal Party na si Manuel Roxas II.

Ang popularidad ni Aquino ay tumaas nang mamatay ang kanyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino noong ika-isa ng Agosto at sa ika-26 na anibersaryo ng kamatayang kanyang ama na si dating senador Benigno Aquino.

Samantala, ang obispo ng Cubao na si Bishop Honesto Ongtioco pinapayuhan si Aquino na sundan ang halimbawa na itinakda ng kanyang ina sa pagpapatakbo ng isang matuwid ngunit karampatang mga kampanya.

“Sa tingin ko ay hindi tayo makakakuha ng isang perpektong kandidato. Ang mahalaga para kay senador Aquino ay ang makakuha ng mga mabuting tagapayo. Ang kanyang pagkakahayag ay kinakailangan ngunit ang katatagan ay dapat ring ikonsidera. Tulad ng kanyang ina, dapat siya ay maging madasalin upang maging kampante sa pagharap sa mundo”, sabi ni Ongtioco.

view English version of this post



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here


14 comments on “‘Don’t get carried away by Noynoy bandwagon’

  1. Admiring the dedication you put into your blog and detailed
    information you offer. It’s nice to come across a blog every once in a while that isn’t the same
    old rehashed information. Excellent read! I’ve saved your site and I’m adding your RSS
    feeds to my Google account.

    Like

  2. Bandwagon mentality or not, the people should also consider the limitation of their choices. There was a year when we hardly have anybody to choose from (awful list that year!) Our nation is at least privileged to have some really good ones this time! Other countries, sadly are still under monarchy or worst, dictatorship.

    I will roll with Noynoy! I will NOT underestimate the power or parenthood. He had wonderful parents, if even half of their worth rubs off on him, HE would still be better off that the other candidates! He is MY choice! (teehee)

    At last, nakita ko din ang site nyo Manoy Doro… hinahanap ko nung minsan… hay andito lang pala! Good to see you po! *hugs*

    Like

    • may malaking dahilan kaya hindi susuportahan si Noynoy ng CBCP. ito ay ang pagsuporta ng huli sa Reproductive Health Bill na kasalukuyang nakabinbin sa senado.

      narito kung bakit
      The Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) has branded as anti-life certain provisions of the measures, including appropriating funds for contraceptives, and encouraging couples to undergo vasectomy and tubal ligation.

      Fenny C. Tatad, executive director of the Bishops-Legislators Caucus of the Philippines, which is under the CBCP, said the mechanisms in the bills were “inconsistent” with Catholic beliefs.

      eto naman ang pananaw ng mga pro-Reproductive Health Bill:
      “We fully respect the views of all religions, but to impose those views to the government, I feel that it is an intrusion of the separation of the state from the church,” Ms. Cayetano (senator Pia Cayetano) told reporters in a briefing after the hearing.

      Social Welfare Assistant Secretary Florita R. Villar said they support the still-to-be-consolidated Senate bills since there is an “urgent need for a policy on reproductive health.”

      matatalino na sa ngayon ang mga kakabayan natin. sila na ang bahalang magpapasya.

      maraming salamat sa puna at sa pagdalaw, Tes

      Like

  3. isa lang ang dalangin ko Manoy Doro, ang sana maging maingat ang mga kababayan nateng Pilipino sa pagboto sa susunod na Eleksyon.

    Let’s all hope and pray for the next President of the Philippines. Thanks for posting this Manoy.

    Like

    • tama ka, maricar_f. sana maliwanagan ang kaisipan ng ating mga kababayan sa pagpili nila sa magiging pangulo ng ating bayan.

      maraming salamat sa pagdalaw, kaibigan

      Like

  4. Pingback: The Beautry of Mathematics « Mga Sulating Pilipino

  5. saganang akin kasi, si Noynoy na lang ang walang dungis pulitika, pero sabi nga nila kailangan alamin muna natin ang kanyang plataporman,

    sa huli wala na naman kasing ibang choice.

    sige nga, sino pa ba ang may K maging presidente na hindi nanira sa kapwa nya?

    Sa ngayon tatlo pa ang pinapipilian ko..

    una na si Noynoy
    Villar
    De Castro

    pinaka-ayoko

    Loren
    Erap
    Madrigal

    Like

    • magkatulad pala tayo ng inaayawan.

      magkatulad din tayo ng nagugustuhan, kaya lang, ang nauuna sa akin ay si de Castro
      kasunod si Villar
      si Noynoy sa huli.

      maraming salamat sa pagdalaw, kaibigang otep. nandoon ka na sa left sidebar (mga BLOG ng iilang ka-tropa), ika-20

      Like

    • yan na nga, cherie. hind sukatan ang kasikatan o popularidad para pipiliin mo ang isang kandidato.

      Noynoy was previously regarded as having few legislative accomplishments during his 12 years in parliament

      Like

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s