Job-hunting? clean-up your ‘digital’ trash


Job-hunting? clean-up your ‘digital’ trash


image taken from http://www.topnews.in/

Halos kalahati ng US employer ay nananaliksik sa mga online profile ng mga aplikante ng trabaho sa mga social networking sites tulad ng Facebook, MySpace o LinkedIn, ayon sa isang bagong survey.

Apatnapu’t-limang porsyento ng mga employer na nasurvey para sa CareerBuilder.com, ang pinakamalaking online US work job site, ang nagsabing ginagamit nila ang mga site na social networking sa pagtsi-check sa background mga aplikanti sa trabaho.

Labing-isang porsiyento naman ang nagsabing plano nilang simulan ang paggamit ng mga social networking sites para sa screening.

“Tulad ng social networking na lumalaki at unti-unting lumaganap, mas maraming mga tagapag-empleyo ang gumamit ng mga site upang i-screen ang mga potensyal ng magiging empleyado”, sabi ng CareerBuilder sa isang pahayag. Sinabi nila sa mga naghahanap ng trabaho na dapat “alisin nila ang negatibong impormasyon na ipino-post nila online.”

Sinabi ng CareerBuilder na ang mga pag-uugali ng naghahanap ng mga trabaho , 29 porsiyento gumamit ng Facebook, 26 porsiyento gumamit ng LinkedIn at 21 porsiyento gumamit ng MySpace.

Labing-isang porsyento ang paghahanap ngb blog ng aplikanti, habang pitong porsyento ang sumunod sa mga micro-blogging service Twitter.

Tatlumpu’t-limang porsyento sa na-survey, nagsasabing sa natagpuang nilalaman sa isang social network ang naging sanhi sa hindi pagtanggap ng isang aplikanti, sabi ng CareerBuilder.

Mga halimbawa na nakakakasama ay ang “hindi naaangkop na larawan o impormasyon” o mga nilalamang tungkol sa pag-inom o paggamit ng bawal na gamot.

Iba pang mga dahilan ay ang paninira ng aplikanti sa dating employer, ng kapwa manggagawa o ng mga kliyente, mahina ang mga kasanayan sa komunikasyon, pagsisinungaling tungkol sa kanilang mga kwalipikasyon o pagbabahagi ng lihim na impormasyon tungkol sa isang naging employer.

Ang mga impormasyong matatagpuan sa social networking profile ay hindi palaging isang negatibong bagay sa para naghahanap ng trabaho.

Labingwalong porsyento ng mga tagapag-empleyo nagsabi na ang natagpuang nilalaman sa mga social networking sites ay sanhi sa pag-upa ng mga aplikanti, sabi ng CareerBuilder.

Ang ilang mga profile “na nagbibigay ng magandang pakiramdam para sa pagkatao ng aplikanti” o sinusuportahan ang kanilang mga propesyonal na kwalipikasyon habang ang iba ay nagpakita ng pagkamalikhain o kasanayan sa komunikasyon.

Si Rosemary Haefner, Vice President ng human resources ng CareerBuilder, nagrerekomenda na ang mga aplikanti ay dapat “linisin ang mga digital trash” bago simulan ang paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga litrato, mga nilalaman at mga links na maaaring makakasira sa kanilang pagkakataon.

Ang survey sa 2,667 hiring officers na mga propesyonal ay isinasagawa ng Harris Interactive sa pagitan ng Mayo 22 at Hunyo 10. Ito ay may error na plus o minus 1.9 porsyento.

pinagkunan:Agence France-Presse



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here


4 comments on “Job-hunting? clean-up your ‘digital’ trash

  1. Pingback: Ang Manlalakbay « Mga Sulating Pilipino

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s