Philippine flag set to have ninth ray for Muslims


Philippine flag set to have ninth ray for Muslims

“Ika-9 na sinag ng araw sa RP flag pasado sa Senate-House panel”

Lumaki ang posibilidad na madadagdagan ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas matapos aprubahan ng joint committee ng Senado at Kamara de Representantes ang panukalang batas para sa gagawing pagbabago sa bandila.

Sa kasalukuyan, may walong sinag ag araw na nakapaloob sa ating bandila. Ang mga ito ay sumasagisag sa walong lalawigang unang nagrerebelde sa pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga ito ay ang Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac. At ngayon, dadagdagan ito ng ika-siyam na umano’y kakatawan sa Muslim at mga katutubo na kasamang nakibaka laban sa mga dayuhang mananakop. Kung magkagayon, papaano ang Cebu (Lapu-lapu), Bohol (Dagohoy) at iba pang mga lalawigang lumalaban din sa mga mananakop? Kung ganito ang kalakaran, baka aabot ng mahigit dalawampu ang magiging sinag ng ating araw.

Saganang akin, tama na ang walo. Ito na kasi ang kinalakhan na natin. Ito na ring desinyong nakikilala sa buong mundo. Kung pagkilala sa mga kabayanihang nagawa ng ating kapatid na mga Muslim, ‘di ba ang isa sa tatlong bituin na meron ang ating bandila ay kumakatawan na ng Mindanao?

Isa pa, ‘di ba ang grupo/mga grupo na nais bigyang-lugod ng batas na ito ay gustong humiwalay sa Pilipinas at magtayo ng bagong bansang matatawag na kanila, sa madaling sabi, sesesyonista? Katawa-tawa, ‘di ba?

Ang panukalang batas na ito ay mariing tinutulan ng National Historical Institute.

Sabagay hindi ito ang unang pagkakataon na may nagmungkahi na dagdagan ng isa pa ang sinag ng araw sa watawat ng bansa. Noong 1970s, inihain ni Lanao del Sur Rep. Sultan Omar Dianalan ang House Bill 7725 upang gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.

for the actual news item of this post, click here



Share this to your profile
                 To view or post comment, please click here


About these ads

18 comments on “Philippine flag set to have ninth ray for Muslims

    • i agree also. (english) lols.

      iniisip ko pa lang, pero kung mangyari man yun, mukhang matatagal pa bago maging perpekto ang bandila natin sa pisikal na kaanyuan.

      Kung sa simpleng pagkakabaliktad lang pula at bughaw sa watawat na’tin ay nagiging malaking isyu na, paano na lang kung sakaling maisakatuparan yan, pupunahin at pupunahin na naman na’tin ang dagdag na sinag ng araw sa bandila na’tin.

      Tapos pagdating sa mga seagames at asia games sa mga oras na tinataas tayo ay bigla na lang tayong mapapatatas ng kilay.

      Sagananag akin lang, wag na natin baguhin ang ang nakasanayan, maraming mga bagay ang dapat isinasaalang kung paguusapan ang kabutihan at pagkapilipino ng mga muslim.

      bakit hindi natin palawigin ang kapayapaan sa mindanao,

      ang pagtuturo sa maling diskriminasyon sa mga mahal nating kababayang muslim.

      Ang paggalang sa kanilang mga sambahan, na hindi basta basta pinapaalis lang sa kanyang kinakatayuan, tulad sa binabalak na pagtatayo ng di umanoy mala las vegas sa pilipinas na tatamaan ang isang kuminidad ng mga muslim

      at iba pa..

      sa huli, hindi lang sa watawat mababakas ang ambag ng mga muslim sa pilipinas.

      • tama ka sa iyong tinuran na “…hindi lang sa watawat mababakas ang ambag ng mga muslim sa pilipinas.”

        maraming salamat, kaibigang otep

  1. i for one is against the change…walong sinag para sa 8 pangunahing lalawigang nag rebelde., at gaya ng sabi mo, manoy doro ay sus mapupuno ng sinag ang ating watawat pag nag lay claim din yung ibang lalawigan.

    i even heard a rumor? before na dapat daw lagyan ng symbol of muslim, crescest moon ang watawat to include our muslim brothers and sisters down south. sa loob-loob ko eh meron bang cross na nandoon to symbolize christianity.ala naman di ba?

    there are better and far more pressing issues which needed much attention that altering this and that…its a total waste of time not to mention tax payer’s money…again,!!

    • ang walong sinag ay tama na. kung dadagdagan pa, ayon kay cherie na totoo naman, mawawala na ang ating identity bilang mga makabayang mamamayan.

      lalagyan ng crescent? wow! ipinagbibili na ba ang ating bansa? kung magyayari ito, asahan na nating maraming mamumundok- at alam na natin kung ano ang gagawin nila roon.

      maraming salamat sa iyong makabuluhang opinyon at sa pagdalaw, eng

  2. sa ganang akin ay may sariling ebolusyon ang bandila. marami ring pagbabago ang nangyari bago ito nakarating sa kasalukuyang hugis.

    sa opinyon ko, ok lang na baguhin ito. ngunit hindi lamang ito ang solusyon para pag isahin sa bansa ang kristyano at muslim, para tugunan ang ipinaglalaban ng bangsamoro supporters at para gunitain ang kadakilaan ni lapu-lapu.

    kelangan ng isang matino at praktikal na programa ng gobyerno…

    • lubos kong iginagalang ang iyong opinyon. oo nga’t marami nang napagdaanang hugis ang bandila ng Pilipinas na ginamit ng ating mga rebolusyonaryong bayani ngunit ang lahat ng araw na napapaloob sa mga bandilang gamit ng Katipunan at ni Aguinaldo (Magdiwang) ay may wawalong sinag.

      alam na nating ang kasalukuyang desinyo ng bandila natin (desinyo ni Marcela Agoncillo) ay ang ‘independence day flag’ na itinaas ni Aguinaldo noong ika-12 ng Hunyo, 1898 at pinagtibay ang standard ng hugis at kulay ni Manuel L. Quezon noong ika-25 ng Marso, 1936. ito’y may walong sinag din.

      magkagayunpaman, tama ang tinuran mong hindi lang ang pagbabago ng bandila ang solusyon upang matugunan ang ipinaglalaban bangsamoro supporters kundi… “… isang matino at praktikal na programa ng gobyerno…”

      maraming salamat sa opnyon at sa pagdalaw, kaibigang brokenform

    • matagal kong binasa ang entri mong ito. detalyado! nang nasa bandang huli na ako, nakita ko ang puna ni kaibigang otep. totoong “parang isusumite na sa korte suprema ang mga nilalaman!”

      salamat kaibigang BLOG ONG sa pagbisita

  3. Oh wow, after all these years! I really hope NOT! A lot of people grew and died drawing a flag with eight rays, and what of history, and identity?

    Our nation has a lot of pressing (almost urgent) matters that needs attention those “intellectuals” (as they claim it) should stick to more important matters.

    • sa kasalukuyan, lagda na lang ng ating pangulo ang kulang upang maging ganap na batas ang pagbabagong ito.

      kahit tutol ang National Historical Institute nito tulad ng pagtutol nito sa itinalagang bagong mga national artists ng malakanyang, baka lalagdaan pa rin ito. kung magkagayon, mababawasan ang market ng manok nilang si gibo. sigurado ako dito

      maraming salamat sa puna, Tes

  4. I agree, dapat tanungin muna nila ang madla, OA naman si Mr. GOrdon, may isang star na nga para sa Mindanao,

    well, siguro dapat isang star din para sa mga Kristyano! Oh no, Sampu na!

  5. masyadong marurunong ang mga nanilbihan sa ngayon. pati ang pamana ng lahi gusto pang pag-iimbutan. gusto siguro nilang magkapangalan sa future history books. gusto nilang palitan si marcela agoncillo.

    sa halip na magkaisa ang mamamayan, magiging divisive ang move na ito.

    maraming salamat sa puna Mark!

  6. Jung tungkol sa di pagkakasakop ng mga kastila ang dahilan ni Gordon eh di yata patas sa mga Igorot na magkaroon ng 9th ray ang Pilipinas alang-alan sa kanila lalo na kung meron naman nang bituin ang Mindanao. Higit pa dito ang kontribusyon ng mga Igorot. Malakas ang insekuridad ng mga Pilipino sa ‘ancient wonders’ ng ibang bansa pero satutugunan ito ng mga Igorot – Ang rice terraces(na hindi lamang sa Banaue, meron din sa Kalginga, benguet at Mountain Province) at ang mga Fire Mummies ng Benguet

    • yan na nga kaibigan. aabot sa mahigit dalawampung sinag mayroon ang ating bandila kung magkakataon, dahil kung dadagdagan ito ng isa at magiging siyam, maraming mag-ki-claim sa kanilang parte.

      maraming salamat sa makabuluhang puna, kaibigang Chii

  7. …hmmmm..
    prang taU TLAGANG PILIPINO..
    MGA PESSIMISTIC KHIT KELAN,,
    bkit hindi n lang nting tanggapin kung anung pinag’usapan..
    that’s why we don’t have our own identity..
    cno bang ngsabi my identity tau..
    haler,,d nga ntin alm kung anu tlaga ang mga katangian ang mga pilipino..
    tsk33..we have been assimilated my dear and our identity is either not clear or wala tlaga…
    nku ,,kau tlaga..kya walang asesnso ksi s mga kung anu2 ng mga negatibong pingsasabi nyo..kakainis nman ang mga pilipino..puro n lang critic..why not move ?

    • salamat sa puna, kaibigang mafil pero wag mo naman sanang laitin ang mga Pilipino. ang payo ko sa iyo, dagdagan mo pa ang kaalaman mo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas pagkat parang kinulang ka nito base sa pinagsasabi mong ‘our identity is either not clear or wala tlaga…’

      we are identified with Rizal… so with Lapulapu… so with Raha Soliman… so with Aguinaldo

      Filipinos are identified with men of heroic deeds and not with pessimists.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s